Book Information
Wattpad Information
Chapter Guide
Naghahanda na ang grupo para umalis sa laboratory. Sinabihan ni James ang grupo pwera lang kay Anton na umiiyak parin dahil hindi parin niya matanggap ang nangyari sa kaibigan niyang si Nick kung alam na nila ang gagawin dahil nakapanood naman sila ng mga movies tungkol sa zombies.
Pumunta si Maria sa labas at nakita si Anton na nakatitig kay Nick. Para mapagaan ang loob nito, kinausap niya ito ng masinsinan. Nang mapagaan ni Maria ang loob niya, dumiretso na sila sa stockroom at nakinig na sa huling instruction ni James.
Sa instruction ni James, nabanggit niya na imbis na pumunta sa canteen, dumiretso nalang sila sa faculty room dahil mayroong mini kitchen ang loob. Nagkaroon ng konting pagtatalo pero sa huli pumayag na rin ang lahat.
Binuksan na nila ang pintuan at nakita nila si Nick. Susugurin na sana ni James pero pinigilan ito ni Anton at sinabing siya nalang ang gumawa (pumatay) kay Nick. Nang napatay na ni Anton si Nick, muli nanamang bumuhos ang luha niya at muli nanamang pinagaan ni Maria ang loob niya. Nang naayos na ang lahat, umalis na ng tuluyan ang grupo sa laboratory.
Habang tumatakbo ang grupo papuntang faculty, nagtaka sila noong pagliko nila sa isang hallway dahil wala ni isang zombies sa daanan nila. Ginamit nila ang panahon para makatakbo papunta sa faculty, sa kabutihan palad, wala ring zombies sa loob. Agad agad nilang isinara ang pintuan ng mga pwedeng pambaricade.
Matapos ang paghahanda, nagsama sama na ang grupo sa mini kitchen para kumain na.Tahimik lang kumain ang lahat ng biglang nagsalita si Maria at nagbukas ng topic. Matapos ang usapan, naghanda na ang grupo para matulog sa ginawa nilang papag kanina.
Habang abala ang lahat sa pagproprotekta ng lugar, may narinig silang isang cellphone na nagriring. Kinuha ito ni Eli at sinagot ito at niloudspeaker. Nakarinig ang isang grupo ng isang survivor na humihingi ng tulong kay Jen pero bago pa man din kami makasagot, bigla nang naputol ang linya. Naputol na lamang ang katahimikan ng nakadiskubre si Joy ng mga delata sa mini kitchen.
Habang nakahiga, napansin ni James si Eli na ginagalaw ang cellphone na nakita kanina. Naisipan ni James na tumawag ng kahit kanino at magbakasakaling may macontact sila kahit papano. Pinangunahan na ni Maria ang pagcontact. Nagring ito ng limang beses at sa huli'y may sumagot dito.