Book Information
Wattpad Information
Chapter Guide
Sinubukan ni Maria tumawag, nagring ito ng limang beses hanggang sa sumagot ito. Napagalaman na ang tinawagan niya ay ang kanyang nobyo na si Arvin. Sa kanilang tawagan, napagalaman ring nasa parking lot sila Arvin malapit sa swimming pool ng unibersidad at kasama niya sina Roy, Gabby at Jen. Inilipat ni Arvin ang telepono kay Jen. Nang pagkalipat ng telepono sa kanya, sinabi niya kay Maria na mayroong susi ng bus sa faculty room kung nasaan sila. Sa pamamagitan non, magagamit nila ang bus na iyon para makatakas sa eskwelahan. Bago ibaba ni Maria ang telepono, nakiusap siya kay Ma'am Jen na sabihin kay Arvin na mahal na mahal niya ito.
Pagkababa ng telepono, agad sinabi ni Maria ang sinabi ni Maam Jen. Agad agad nilang hinanap ang susi ng bus at sa kabutihan palad, nakita nila ito agad. Walang pagaalinlangang nagdesisyon si Maria na umalis dahil hindi daw dapat sila mag aksaya pa ng oras.
Handa ng umalis ang lahat at bubuksan na nila ang pintuan, pagkabukas nila ng pintuan, tumambad sa kanila ang mga zombies na iniwasan nila kanina. Dahil sa pangyayari, napilitan silang isarang muli ang pintuan. Pagkasara ng pintuan, tinanong ni James kung may nasaktan ba sa kanila. Nang narinig nila na umiiyak si Anton, napagalaman nila na nakagat si Maria sa kaliwang braso. Bago napagdesisyunan ng grupo na iwanan na si Maria, nakiusap muli si Maria sa kanila na sabihin kay Arvin na mahal na mahal niya ito.Matapos nito, umalis na ang grupo gamit ang pintuan papalabas ng highschool building.
Paglabas nila, napansin nilang umuulan. Tumakbo ang grupo sa pinakamalapit na daanan papunta sa swimming pool ng lugar kaya lang nakita nila na napakaraming zombies doon. Walang nagawa ang grupo kundi dumaan sa ibang ruta. Pagliko nila, nadatnan din nila ang napakaraming zombies na nagkukumpulan roon. Hindi na nila alam kung ano ang gagawin hanggang sa may tumawag sa kanila sa 2nd floor ng ECE building. Nagulat ang grupo dahil nakita nila ang iba pa nilang mga kaklase na sina Justin, Jean at Marilyn.
Agad agad pinaakyat ni Justin ang grupo dahil hinahabol na sila ng mga zombies. Pagkaakyat nila, nagkaroon ng kaunting reunion ang magkakaklase. Nagkwentuhan ang lahat kung anu ano ang mga nangyari sa bawat isa bago sila magkita hanggang sa napunta ang usapan sa mga kaklase nilang namatay. Napatahimik lamang sila sa sinabi nila.
Napagdesisyunan ng grupo na magpalipas na lamang ng gabi sa ECE building. Maya maya, naghanda ang grupo ng dalawang delata ng corned beef para kainin ng lahat. Habang kumakain, ikinwento nila James ang balak nilang tumakas ng eskwelahan gamit ang bus na nakita ng kanilang guro.
Nagbalak si Eli na tawagang muli sina Arvin kaya lang hindi na nila ito ma contact pa. Bago matulog, napansin ni James si Marilyn na maputla. Dahil parang kakaiba si Marilyn, tinanong ni James si Jean kung hindi ba niya napapansin ang kalagayan nito ngunit sinabi ni Jean na ipagpabukas na lamang daw ito.
NONE