Book Information
Wattpad Information
Chapter Guide
September 29 2013, Intramurals day ang araw na iyon ng nakaramdam si James ng kakaibang kaba.
Nagsimula na ang event at ang magkakasama ay sina James, Nick, Joy at Maria. Dahil tinatamad ang apat, naisipan nilang sa room nalang sila at magpahinga pansamantala. Nakatulog si James sa pagkaboring.
Nagising nalang si James ng nakirinig siya ng sigaw. Noong lumapit siya sa para tingnan kung ano ang dahilan kung bakit sumigaw sila, nakita niya na puno ng dugo ang labasan.
Nakakita si Nick ng isang sugatang lalake. Nagaway ang grupo dahil gustong papasukin ni Maria ang sugatang lalakeng nakita niya kaso hindi sumangayon si James sa kaniya. Sa huli, naintindihan na rin ni Maria ang sitwasyon.
Pagkatapos ng pangyayari, napagdesisyunan ng grupo na umalis na ng room sa pamamagitan ng bintana at dumaan sa kabilang bintana at nagbabakasakaling walang mga zombies doon. Pagdating doon, nakasarado lahat ng bintana. Nakakita si Maria ng isang kawayan at kinuha ito ni Nick para basagin ang bintana.
Nang kaniyang nabasag ang bintana, hindi sinasadyang nakagat si Nick sa braso. Walang nagawa ang grupo kundi bumalik nalang sa room nila at magisip ng panibagong plano. Pagbalik sa room, narealize agad ni James ang mga pangyayari. Hindi ito matanggap ni Maria noong una pero tinulungan siya ni Nick para makapagadjust. Bago namin iwanan si Nick, sinabi niyang naihulog niya ang mga zombie sa kabilang room at sila'y makakadaan doon sawakas. Nagpasalamat rin si Maria kay Nick dahil sa ginawa niya.
Nakalabas na ang tatlo ng maayos. Nakita nila si Nick na nagpapahabol sa mga zombies. Ginamit nila ito upang makatakas. Sa kasamaang palad, walang daan dahil pinalilibutan na ito ng mga zombies. Malapit na silang malapitan ng mga zombies pero may biglang nagbukas ng pintuan ng laboratory.
NONE